Ako ay isang tutor ( kung gusto ninyo magpaturo sa akin, e-mail lang kayo. Ahaha!) sa tutorial center ng nanay ko. Tumutulong ako dun, akin ang high school sa kanya ang elementary, hindi ko kasi kaya ang mga makukulit na bata. Sa umaga lang ako nagtuturo, sa hapon ang nanay ko na lang ang nagtuturo. Nanunuod nalang ako sakanya habang nakikipaghabulan siya sa bata upang mapaupo ulit ito sa kanyang upuan. Ang gulo!
Pinapanuod ko ang mga bata habang natututo sila ng pagsulat ng ABC, magbilang ng 1-2-3 at pagtukoy sa mga basic colors. Takang-taka ako bakit napakahirap para sa kanila ang pagtukoy sa pinagkaiba sa red at sa green. Hindi ko rin mawari kung bakit ang number 1 at 7 nila ay lubhang magkapareho. At bawat tingin ko sa kanila, habang sinasagutan nila ang mga activities nila, ay tila napakahirap na trabaho. Daig pa ng mukha nila ang nalugi sa negosyo.
Natatawa ako sa mga batang ito. Inis na inis sila sa tila napaka-simpleng trabaho, samantalang, hindi nila wari pag-tanda nila ay mas malalaki pang problema ang makakaharap nila. Na pagtungtong nila ng high school ay hindi 1 + 1 ang makikita nila sa kanilang test papers kundi 2x+3=4, find x. Na ilang beses nila kailangang gumagawa ng napakaraming book synopses. At pagdating naman nila sa college ay isang tambak ng theses at kung anu-ano pang reports. At ang kakaharapin nilang math problems ay hindi 3/4 + 4/3 kundi, find the derivative of f(x)=(3x^2-3y^3+4x^3-3)/(4x^3-2y^3+7x-3).
Ngunit kahit gaano kahirap ang trabaho, basta sinabing bibigyan sila ng candy o kahit chichiria lang ay magpupursige na sila magtrabaho. At maperperfect pa nila ang kanilang activity. At makikita mo ang napakalaking ngiti sa kanilang mga labi. Tuwang-tuwa sila sa kanilang "premyo".
Haay...sana ganoon pa rin ngayon. Na kahit gusto mo nang sumuko, e basta sasabihan ka lang na mayroon magandang naghihintay sa iyo sa huli ay magpupursige ka na. Sana kaisip ko ang mga bata na ang buhay simple lang: na sa bawat pagpupursige may magandang kapalit sa huli.
0 Responses so far.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.