Marahil ang pinakakinaiinisan ng mga driver, operator at, higit sa lahat ng mga, ng mga konduktor ay walang iba kundi ang mga walang kamuwang muwang na bagong salta sa Maynila, ang mga PROBINSYANO. Ngunit, inosente may kung ituring marami pa rin intong kayang gawin. Isa na marahil sa mga maituturing na mga walang kamuwang muwang na probinsyano ay si TANO. Ito ang maiksing kwento ng pakikipagsapalaran ni TANO PROBINSYANO.
(Sumakay ng bus si TANO..first time nitong makapupunta sa Maynila at first time din nitong sasakay ng BUS. Kinakabahan ng husto si TANO.)
TANO: Naku! ..Unang beses ko makakatungtong sa Maynila. Ano kaya naroon?
(Sa biyahe ay nakatulog ang PROMDI nating bida. Nang makarating ang bus sa MAYNILA, nagising si TANO.)
TANO: WOW! Ang ganda talaga dito sa Maynila. Kalalaki ng mga payag ai. Mas mataas pa sa sinasakahan naming bukid. Teka nga..parang malapit na ako sa bababaan ko. Pano ba bumaba dito? Pano ba ako papara? Sisigaw ba ako o sasa bihan yaong taong may dala dala ng stapler?
(Nag isip ang Probinsyano..ayaw niya namang mahalatang isa siyang walang ka muwang muwang na tao. At ang kanyang katanungan ay nasagot nang… [;)]
PASAHERO 1: PARA! (tumutuktok sa bubong ng bus)
TANO: Aah! Ganun pala. Ma-try nga.
(At yun ang naisipang gawin ng probinsyano. Kaya sa susunod na kanto biglang..)
TANO: PPPPPAAAAARRRRAAAA!!!!! (MALAKAS NA PAGTUKTOK SA BUBONG NG BUS)
(Biglang huminto ang bus. Ang lahat ay napasubsob)
PASAHERO 2: Anu ba yun?!
KONDUKTOR: Sinong bababa?!
TANO: (ngumingiti..) Ah..wala praktis lang! Hehe…
(Dismayado at inis na inis ang mga kasama niya sa bus lalo na ang konduktor na puyat na puyat sa biyahe. Ngunit hindi ito wari ng probinsyano. Masayang masaya siya sa kanyang ginawa. Kaya sa susunod na kanto muli ay..)
TANO: PPPPAAAAARRRRRAAAAA!!!!!! (TUMUTUKTOK SA BUBONG NG BUS WARI MAY BALAK NA ITONG TANGGALIN ITO)
(Biglang huminto ang bus. Ang lahat ay napasubsob at ang iba ay naumod. Mga iyak ng mga bata at pagmumura at pagkainis ang maririnig sa bus)
PASAHERO 3: Ano ba yan!!!Nabukulan na ako!
PASAHERO 4: Aray!
KONDUKTOR: Sinong bababa?!!! (hawak ang ulo..may bukol)
TANO: (sobrang galak at ang ngiti ay animoy nang iinis.) Hehe..wla po praktis lang. Hehe..
(Umandar ang bus. Lahat ay dismayado na talaga as in.)
(Malapit na ang bababaan ng probinsyano. At naghahanda ito muli upang umatake..este pumara. Nakita ito ng konduktor kaya..)
KONDUKTOR: (Humugot ng baril sa likuran at tinutok sa mga pasahero) Sinong papara jan babarilin ko!!
(Lahat ng pasahero ay natakot at natahimik. Ang probinsyano ay naka ngiti at nilalaru-laro ang kamay).
(Pag daan sa bababaan ng probinsyano ang nasabi lamang nito ay….)
TANO: Ayun ang bahay namin! (masayang tono parang bata habang tinuturo ang dapat ay bababaan niya)

Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.