Pages

At ngayo'y nagbabalik ang bida nating probinsyano at ang kanyang mga kwelang pakikibaka.

(Si Tano pumasok sa isang Barber Shop upang magpagupit. Siya'y lumapit sa nag-iisang barbero na naroon.)

Nakasando lamang ang barbero at kitang kita ang korte ng kanyang pangangatawan. Ang uniporme nito ay nakasabit sa sandalan ng upuan. Malaki at maskulado ang pangangatawan nitong barbero. Mas bagay pa siya maging gym insructor kaysa maging barbero.. Kinausap ni Tano ang barbero.

Tano: Uhm, manong. Pwede po bang magpagupit?

Barbero: Haha! Ano pa ba pinunta mo dito, kakain? Sige, umupo ka muna dito habang inaayos ko mga gagamitin ko.

Umupo nga si Tano at pinanuod ang barbero habang inaayos nito ang mga gunting, twalyang mainit (nagtataka si Tano para saan iyon), at mga matatalim na bagay na tila balisong (labaha lang iyon). Nang magsisimula na sana ang barbero, biglang may pumasok na babae.

Babae: Kuya, kuya! Nahuli na ang magnanakaw. Nasa police station na ngayon. Kailangan ka daw doon para sa pag sampa ng kaso. Dali!

Barbero: Mamaya nalang! May customer ako.

Babae: Importante daw na ngayon mo maasikaso kasi maraming pa daw "paper works" ang kailangan. At sandali lang daw iyon pipirma ka lang daw.

Barbero: Hala, sige, sandali lang kamo? Ikaw, anong pangalan mo?

(sasagot sana si Tano ngunit pinutol ito ng magsalita ulit ang barbero)

Barbero: Babalik ako agad. Hintayin mo ako dito. Huwaag mo papakialaman ang mga gamit ko. Kung may papasok na ibang customer sabihin mo babalik ako. Sige salamat, pre.

(At umalis nga ang barbero kasama ng babae at iniwan ang kawawang probinsyanong mag-isa sa barbershop.)

Nainip si Tano at sinubukang maglibut-libot sa loob ng barbershop. Nakita niya ang mga iba't ibang gunting. Nakita niya rin ang isang bagay na animo'y pagkudkod ng yelo (razor) kaya lang ay sinasaksak ito. Nahagilap ni Tano ang uniporme ng barbero. Sinukat niya ito. Napakalaki nito para sa kanya. Tinitignan tignan niya ang kanyang sarili sa salamin nang biglang:

Blang!

Bumukas ang pinto at may lalaking pumasok at tila ito'y hinahabol ng aso dahil sa pagmamadali nito.

Lalake: Magpapagupit ako, facial, at papatanggal ko din itong balbas ko. Kailangan ko mabilis! Dapat maging maayos ako tignan. Nagmamadali ako may meeting akong pupuntahan! Ikaw lang ba ang barbero dito?!

Tano: uhm, ako po?

Lalake: Oo, ikaw! Ikaw ang naka unipormeng pambarbero dito diba? Mabilis ka bang magtrabaho?! Bilisan mo na at magtrabaho ka na.

Tano: Di po ako...

Lalake: Wala nang maraming salit. Get to work!

(Umupo ang lalake.)

Hindi alam ni Tano ang gagawin. Nakasandal at tila matutulog ang lalake. Naalala ni Tano ang pelikulang kanyang napanood na kung saan ang bidang lalake ay pumunta sa barbershop at nagpagupit. Kinuha ni Tano ang mainit na twalya na ngayo'y medyo malamig lamig na. Pinunas niya ito sa mukha, kamay, leeg at kung saan-saan pa.

Lalake: Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit mo pinupunas yan? Ilagay mo nga yan sa mukha ko.

At nang ilalagay na ni Tano ang twalya...

Lalake: Bakit mo ilalagay yan sa mukha ko?

Tano: Sabi mo, ilagay sa mukha mo?

Lalake: Oo nga! Pero hindi iyan. Pinunas mo na yan sa katawan ko. Marumi na yan para ilagay pa sa mukha ko. Kumuha ka ng bago dun! Ganito ba kayo dito? Mga dugyot! Urgh!

At kumuha si Tano ng bagong twalya. Mainit na mainit ang twalya. Hinahawakan lamang niya ito sa dulo. Nilapitan niya na ang lalake at nilagay ang napaka-init na twalya sa mukha nito.

Lalake: Araaayyyy! Ang init! Bakit hindi mo muna pinalamig ng kahit konti? Ano ka ba? Marunong ka ba talaga?! Baguhan ka siguro no?!

Tano: Ay, patawad po. Patawad.

Lalake: Sige tama na nga ang facial! Tanggalin mo nalang ang balbas at bigote ko. Tapos gupitan mo na ako.

Inalala nanaman ni Tano ang pelikulang napanood niya kung saan may eksena na nasa barbershop ang bida.

Tano: Ah! Itong "balisong" ang ginamit nung barbero.

Lumapit si Tano at gagamitin na sana ang labaha sa lalake.

Lalake: Oy oy! Ano gagawin mo? Bakit gagamitin mo na agad yan? Wala pa ngang shaving cream!

Tano: Ow! Opo, opo. Sige po. Patawad po ulit.

Lalake: Hay, ano ba to? Tatanga-tanga.

Nilagyan ni Tano ng shaving cream ang mukha ng lalake na kumalat hanggang ilog at mata ng lalake. At muli nag complain ito. Tinanggal ang sobrang shaving cream. Nagumpisa si Tano tanggalin ang balbas at bigote ng lalake. Nang natapos si Tano, nakita niyang pulang pula ang mukha ng lalake dahil puro sugat ito. Buti nalang tulog ito at hindi masyadong napapansin.

Nagumpisa na si Tano maggupit. Kinuha niya ang tila electric kudkoran ng yelo (naalala nanaman ang pelikulang napanood). Ginupitan niya ang lalake: Hindi pantay-pantay ang gupit. Tila ang gingupit ni Tano ay mga damo sa paligid. Nang malapit na matapos ang karumal dumal na paggugupit ni Tano ay biglang....

Blang! Bumukas nanaman ang pinto. At nakatayo doon ang barbero.

Barbero: Anong ginagawa mo?! Ano iyan?!!!

Nagising ang lalake.

Lalake: Anong kaguluhan ito? Sino ka? Aano nangyari sa mukha ko? Sa buhok ko.

Barbero: Ako lang naman ang barbero dito.

Lalake: Eh sino ito?! (tinuro si Tano, na nakangiti tila batang nang-iinis habang siya'y galit na galit na)

Barbero: Customer ko iyan!

Lalake: Ikaw! Humanda ka sa ginawa mo.

Barbero: Lumapit ka dito! Sisirain mo pa ang negosyo ko!

Lalake at Barbero: Hoy! Bumalik ka dito!!!!!

(Kumaripas ng takbo si Tano palayo sa barbershop habang sumisigaw ng "PATAWAD")




0 Responses so far.

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

    Search This Blog